Sunday, September 1, 2013

September 1st of 2013, Happiness!

Exactly three years ago, I wrote about how i spent my 1st of September in 2010 alone in Germany.  No family, no friends and nobody with me to welcome the "Bermonths".  Now I'm back and I'm writing again on how I spent my day today, the 1st of September year 2013.

Yes, in the morning i did the usual. I played christmas carols at 8AM to welcome the "Bermonths". But this time i played the ones that my little princess will appreciate,  Nursery Rhymes Christmas Songs  on Youtube.  My pretty Shasha, dancing while singing the songs, started my day perfectly.


In the afternoon, we took a cab to Lotte Mart.  Before we went inside, I made a deal with Shasha.  I told her that if she behaves and not act up like she always  does everytime we go places (ALWAYS as in ALL THE TIME) , I will buy her a toy and lots of stickers.  She quickly replied "Otei" (OK) as soon as i finished my statement.  We entered the mall in peace, walked around until she found a toy that she likes, a Pororo toy car.  I never realized that 15,000 worth of a toy and some stickers will tame the tigress in her.









     
She was happily playing with her new toy while eating Chajangmeon, Sweet and Sour Pork with rice .  I know she's been wanting to play at the little play area right next to Lotteria booth but i told her to help mommy finish eating the food so we can both play together.  She again gave me the word "Otei" and stayed sitted at the table until we finished our food.  Then i followed her as she took off to play.




 While we were walking back to our apartment,  we passed by Ccokio store so i decided to stop by and see what they have.  They changed the store's arrangement from my last visit.  They have more live and fake plants displayed on the left side.  I'm tempted to buy the heart-shaped flowering vine plant but i don't have a car to bring it home so we walked around and found, at the kitchen department, a sizzling plate that i've been looking for. I immediately grabbed that one last sizzling plate on the shelf and went to the cashier.

           While walking on our way home i asked Shasha, who was quietly sipping on her strawberry juice, if she was happy.  "Sha-sha, are you happy?".  I was expecting her to answer, "Otei".  Amazingly my 2 -1/2 year old daughter anwered, "I'm happy, mommy". 



I almost cry with what i heard.  I never hear her clearly utter a 3-word phrase. Well I guess this year's 1st of September is another memorable one.  No amount of money can beat the time spent being alone with my daughter.  She showed a little bit of maturity by the way she behaved and talked this afternoon.  My heart is overwhelming with gladness as I am writing this blog knowing that a little walk around, a ₩9,000 Pororo toy car, a time well-spent with Shasha will make our day perfectly and amazingly happy even though Daddy is not with us once again on the 1st of September. 


"Happiness is not something ready made. It comes from your own actions."

Thursday, May 9, 2013

Sa Araw ng Mga Dakilang Ina

Ina, Nanay, Mommy, Mama, Madir o Mudra?  Sa paanong paraan mo man tawagin ang iyong ina, iisa parin ang kahulugan nito.  Ang tao na walang takot nagbuwis ng buhay maisilang kalang sa mundong ito. Sabi nga ng Mama ko nung dalaga pa ko, kapag ang babae ay nanganganak, ang isang paa daw natin ay nasa hukay.  Nakakatakot naman po! Nakakatakot naman talaga kaya nga dalawa lang kinaya ko eh.  At ang takot na to ay magiging parte na ng buhay natin bilang ina.  Takot na hindi mapalaki ang mya anak ng maayos.  Takot na di natin sila mapakain ng tama.  Takot na baka magkasakit tayo, hindi natin sila maaalagaan ng maayos at hindi tayo makakapasok sa trabaho at wala tayong kikitain para ipambili ng pagkain nila, ng damit, pambayad sa matrikula, pambaon sa eskwela, pambili ng pangangailangan nila.  Takot na baka di sila mag-aral ng mabuti.  Takot na baka makapag asawa sila ng wala sa tamang panahon.  Takot na baka may manakit sa kanila. Takot na magkasakit sila.  At napakarami pang takot na hinaharap at haharapin natin.  Ang hirap ano po? Nabubuhay ka araw araw, bilang isang ina.  Isang ina na ayaw magutom ang pamilya kaya ka nagtatrabaho, kaya ka nagluluto ng makakain sa araw araw.  Isang ina na ayaw  malait ang mga anak kaya panay ang laba ng damit tapos plancha para paglabas nila maayos sila tingnan.  Isang Ina na ayaw magkakasakit ang pamilya kaya araw araw kung maglinis ng bahay, kuskos dito, kuskos doon hanggang sa gumaspang ang mga kamay hanggang sa makalimutan na ang sarili rin ay dapat alagaan. Sa araw-araw yan ang paulit- ulit mong ginagawa. Nakakasawa ba? Minsan pa gusto mo na mapagod di ba? Gusto mo ng sumuko? Nagagalit ka kapag di ka makatapos ng gawain sa bahay kase ang kukulit ng mga anak mo.  Pero ano mang galit ang dumapo sayo, sapian ka man ng masamang elemento sa init ng ulo mo sa kunsumisyon, lalapitan mo pa rin ang anak mo na napalo at nasigawan mo.  Ikaw pa magsosorry  dahil sa totoo lang  ikaw ang totoong nasaktan sa ginawa mo at hindi sila.  Ikaw ang nasaktan kase mahal mo sila.  Takot ka nga masaktan sila di ba? Kaya ang pagiging ina, kung di mo sasamahan ng panalangin sa Dyos na bigyan ka pa ng lakas at mahabang pasensya, kung walang katatagan ng loob, kung walang pagmamahal, ay isang malaking napakabigat na katungkulan .  Pero sa tulad nating mga  dakilang Ina,  pagmamahal ang syang nagpapagaan ng lahat.  Kaya para sa katulad kong Ina, na walang sawa mag mahal at mag aruga sa pamilya, saludo po ako sa inyo.  Happy Mother's Day, beautiful mommas!!!

Monday, April 15, 2013

Things That I Decided Not To Post in FB

The best feeling in the world is when ur living a life that is drama-free, stress-free and annoyance-free.  Sometimes, only one person is keeping u from living it.  And when u find who it is, immediately kick him/ her out of ur circle. Don't feel sorry that u let them invade ur privacy.  Just be thankful that they're finally dead in ur book :) - Mama Bear

I think it's funny when someone feels bad when nobody "Likes" and writes comments on what she's posting in FB. I mean, seriously? Girl, stop expecting too much from people. Get a life!  Ur just setting urself to failure and disappointments. She thinks she's popular that she deserves Ks of "likes" and "comments"...Lol i know one, she's just a big joke to the society lol - Mama Bear


I'm just surprised that some people know better than i know this person for years, in just a short period of time and still manage to put  up with her BS. Wow! That's one helluva talent to fake the funk !  Some people just amaze me in their own stupid way. -Mama Bear

Will you still say thank you to a person who talks hate behind your back and play nice when your're around?  She's not named after a flower for no reason.  Don't let yourself fall for her trap. Im telling you right now, you just made me LOL - Mama Bear

I didn't get mad and dump a relationship just because.  My experience being in it is reasonable enough. Feel free to experience it yourself - Mama Bear

Tagalog naman para mas masaya :-)

Nakakaloka ka teh! Dati sabi mo ayaw mo sila invite at masyado makulet mga junakis nya, eh baket ngayon BFF na sa pagka-closeness kayong dalawa. You're such a butterfly lol - Mama Bear

Walang basagan ng trip.  Gusto mo kaw lang magpopost ng picture sa FB? Eh ano kung di sya kagandahan, kasalanan nya ba un? Tapos mananakot ka pang mang di-delete ka? LOL... Magbayad ka nalang ng sangkatutak mong utang ha teh bago ka manita ng walang ka wenta wenta. Teng eneng te!!!

Ramdam kita. Kunyari ka pang bait baitan sakin pero noon mo pa ko nilalaglag.  Ang laki ng inggit mo dapat itigil mo na yan.  Alam mong di ako tanga, kaya sasabayan kita. Kung ako sayo magsimba ka, ihingi mo ng tawad mga paninira at tsismis na pinagkakalat mo. I'm not perfect but u wont get nothin  from me anymore. Pinakagat lang kita, kala mo naman magsasabi pa ko sayo ng alam ko? Asikasuhin mo kaya buhay mo, alisin mo kadramahan mo! Ok?



If u  have written something in that box that says "what's on your mind" then just deleted it for a reason, feel free to write it down here in the comment box. 😆

Tuesday, February 26, 2013

Isusulat Ko Na Lang sa Tagalog Para Maintindihan Mo!


Minsan ba gusto mo nang pumatol sa ka - cheapan ng isang tao at sabihin ang mga ito? :

Ang  pagtulong sa kapwa ng  taos sa puso ay walang hinihintay na ano mang kapalit na pasasalamat, pabor o kabayaran.  Hindi rin ito dapat ipinagmamalaki o ipinagyayabang. Wag ka na lang tumulong kung ang dahilan mo ay magka bonus points ka kay Lord.  Kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo!

Hintayin mong ang tao ang pumuri sayo, at kung hindi ka nila pansinin wag mong ikasama ng loob. Kung di pag usapan ang picture mo sa FaceBook aba'y dapat magpasalamat ka. Hindi mo gugustuhin makabasa ng di magandang puna kung hindi naman talaga nila gusto ang nababasa at nakikita nila. Mabuti nang wag ka nilang pansinin, korek?

Sa isang grupo o lugar may isang nakakaalam ng buhay ng lahat ng tao. Kung pano mo kinwento ang buhay mo sa kanya, ay ganun din nya kadaling maikukwento ito sa iba. Alam mo na ba kung sino sya?
Kilala mo na no? Yun lang naman yung walang kapaguran makipag chikahan sa lahat. Magaling sya mag multi-tasking, telepono sabay alaga ng bata habang subo ng subo ng pagkain.  Di man lang lunukin muna ang nasa bibig.  Sobrang dami ng sinasabi  pati bunganga namumulti-tasking, nguya sabay daldal kahit punong puno ang bunganga.  Yuuukkk where are your table manners?

Oo marami kang kaibigan, lahat ba sila totoo sayo? Weh di nga?  Baket sabi ni ano, ano ka daw.  Wag na nga lang, wag ko daw sabihin sayo eh .

Wag ka masyado feelingera , sabi nga ng kakilala ko, di daw bagay sayo. Lol

Makapintas ka sa katawan ko na unproportioned, pag naghubad tayong dalawa sino ba ang katawa tawa at nakakasulasok? Syempre ang tulad mong.... Di ko nalang i dedescribe kase di lahat ng kapareho mong katawan ay kasing baboy ng ugali mo.

Sige pag patuloy mo yang ka cheapan mong kaka kwento sa lahat tungkol sa akin dahil pag nahuli kita,  tutuhugin kita ng kawayan para pag piyestahan ka ng mga tulad mong mal-edukada.

Nakakapagod din padlang mag -type.  Bigyan mo ko ng dahilan at sasabihin ko sayo ung ibang kinatamaran ko nang isulat. Lamunin mo lahat ng sasabihin ko sayo tutal di ka lang sa pagkain matakaw, pati sa atensyon at pera sugapa ka rin.

Eto bago! Lol - June 14, 2021

Tanda mo na puro inuman parin nasa utak mo! Di ka pa makuntento dadamay mo pa sa kalokohan mo ibang tao. Dalhin kamo ang apo ko sa inyo ng di ipapasabi sa anak ko? Para ano, makita ng apo ko na puro inuman at kadramahan ginagawa nyo? Baket may ganun ha? Turuan mo pa magsinungaling  ung isa sa asawa nya? Tapos pag nag away ang mag asawa iiwas ka na naman para di ka madamay kuno? Tulad ng ginagawa mo noon sa iba. Umayos ka baka gusto mo na naman ng drama tapos change ka na naman ng group of friends mo. ðŸ˜‚Troublemaker! Pangalanan kita dito next time with proof of convo pa. Gawain mo talaga tigil tigilan mo na yan mag asikaso ka na lang pamilya mo para di nagchicheat asawa mo! ðŸ˜‚😂😂 Kami ng anak ko puro work and family inaatupag malaman ko lang na ng brainwash ka na naman, susungalngalin ko yang bunganga mo! God forgive me ðŸ¥°



Oo tagalog to at dinededicate ko specially for u.  Wag mong hintaying gawan pa  kita ng music video, sosyal ka! :D