Tuesday, February 26, 2013

Isusulat Ko Na Lang sa Tagalog Para Maintindihan Mo!


Minsan ba gusto mo nang pumatol sa ka - cheapan ng isang tao at sabihin ang mga ito? :

Ang  pagtulong sa kapwa ng  taos sa puso ay walang hinihintay na ano mang kapalit na pasasalamat, pabor o kabayaran.  Hindi rin ito dapat ipinagmamalaki o ipinagyayabang. Wag ka na lang tumulong kung ang dahilan mo ay magka bonus points ka kay Lord.  Kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo!

Hintayin mong ang tao ang pumuri sayo, at kung hindi ka nila pansinin wag mong ikasama ng loob. Kung di pag usapan ang picture mo sa FaceBook aba'y dapat magpasalamat ka. Hindi mo gugustuhin makabasa ng di magandang puna kung hindi naman talaga nila gusto ang nababasa at nakikita nila. Mabuti nang wag ka nilang pansinin, korek?

Sa isang grupo o lugar may isang nakakaalam ng buhay ng lahat ng tao. Kung pano mo kinwento ang buhay mo sa kanya, ay ganun din nya kadaling maikukwento ito sa iba. Alam mo na ba kung sino sya?
Kilala mo na no? Yun lang naman yung walang kapaguran makipag chikahan sa lahat. Magaling sya mag multi-tasking, telepono sabay alaga ng bata habang subo ng subo ng pagkain.  Di man lang lunukin muna ang nasa bibig.  Sobrang dami ng sinasabi  pati bunganga namumulti-tasking, nguya sabay daldal kahit punong puno ang bunganga.  Yuuukkk where are your table manners?

Oo marami kang kaibigan, lahat ba sila totoo sayo? Weh di nga?  Baket sabi ni ano, ano ka daw.  Wag na nga lang, wag ko daw sabihin sayo eh .

Wag ka masyado feelingera , sabi nga ng kakilala ko, di daw bagay sayo. Lol

Makapintas ka sa katawan ko na unproportioned, pag naghubad tayong dalawa sino ba ang katawa tawa at nakakasulasok? Syempre ang tulad mong.... Di ko nalang i dedescribe kase di lahat ng kapareho mong katawan ay kasing baboy ng ugali mo.

Sige pag patuloy mo yang ka cheapan mong kaka kwento sa lahat tungkol sa akin dahil pag nahuli kita,  tutuhugin kita ng kawayan para pag piyestahan ka ng mga tulad mong mal-edukada.

Nakakapagod din padlang mag -type.  Bigyan mo ko ng dahilan at sasabihin ko sayo ung ibang kinatamaran ko nang isulat. Lamunin mo lahat ng sasabihin ko sayo tutal di ka lang sa pagkain matakaw, pati sa atensyon at pera sugapa ka rin.

Eto bago! Lol - June 14, 2021

Tanda mo na puro inuman parin nasa utak mo! Di ka pa makuntento dadamay mo pa sa kalokohan mo ibang tao. Dalhin kamo ang apo ko sa inyo ng di ipapasabi sa anak ko? Para ano, makita ng apo ko na puro inuman at kadramahan ginagawa nyo? Baket may ganun ha? Turuan mo pa magsinungaling  ung isa sa asawa nya? Tapos pag nag away ang mag asawa iiwas ka na naman para di ka madamay kuno? Tulad ng ginagawa mo noon sa iba. Umayos ka baka gusto mo na naman ng drama tapos change ka na naman ng group of friends mo. 😂Troublemaker! Pangalanan kita dito next time with proof of convo pa. Gawain mo talaga tigil tigilan mo na yan mag asikaso ka na lang pamilya mo para di nagchicheat asawa mo! 😂😂😂 Kami ng anak ko puro work and family inaatupag malaman ko lang na ng brainwash ka na naman, susungalngalin ko yang bunganga mo! God forgive me 🥰



Oo tagalog to at dinededicate ko specially for u.  Wag mong hintaying gawan pa  kita ng music video, sosyal ka! :D

No comments:

Post a Comment